Lunes, Nobyembre 10, 2014

SISTER ACOSTA's FIRST PDAY

Kamusta na po kayong lahat? Ako ay ayos lang! Dito na po ako ngayon sa Cauayan! At ang first area ko po ay sa Alingigan Ward, Ilagan Stake. Ang Nanay/Trainer ko po ay si Sister Crystal from Utah. At uuwi na po siya after 12 weeks! So ako po yung only child nya! Hehe.

Masaya po ako dito at nasa mabuti akong kalagayan. Sana ay kayo din po.

Bago po ako pumasok sa mission, akala ko po hinding hinding hindi ako mahohomesick. Pero nung pagbaba ko po ng apartment, nahomesick na po ako agad. Namiss ko na po kayo. Sana po ay palagi kayong sumulat para lagi akong may balita kung ano na nang balita dyan sa bahay!

Bago po ako pumasok sa mission, akala ko din po na wala nang mas nakakapagod sa mga napagdaanan ko nung college. Pero akala ko lang din po yun. Mission is the most physically, mentally, emotionally, and spiritually demanding work I have ever done in my whole life! Minsan po gusto ko umiyak pero di pa naman po ako umiiyak. Bawal po muryot dito. Hahaha. (Pero umiyak po ako nung first night. At saka naiiyak nanaman po ako ngayon habang nagtatype)

Ang schedule po namin dito, 10pm, nagsisimula na po kaming magproselyte. Sumasakay pa po kami ng van mula sa apartment papunta sa area namin. Malayo po. Tapos po pagbaba ng van, sasakay kami ng tricycle (kung medyo malayo)... tapos aakyat na po kami ng bundok bundok. :) Tapos lakad sa mga palayan!

Masaya po ako! This may be the most demanding work I have ever done in my whole life, pero ito din po yung most rewarding work I have ever done in my whole life! Lalo na po kanina, first time ko pong mag extend ng baptismal invitation. And she accepted it! :) Dec 17 po ang goal date at I hope and I pray everything will fall into its proper place sa araw na yun.

Alam ko po na hindi aksidente na makilala po namin kanina si Sister Evelyn. 3 years na po ang nakalipas mula nung huling naturuan siya ng mga missionaries. Simula po nung lumipat sila ng bahay, nawalan na po sila ng contact sa simbahan. Kaya masaya po ako sa privilege na makilala siya kanina! Naramdaman ko po kung paano siya inihanda ng Diyos!

6 days na po ako nasa mission field and I have seen miracles already. Miracle sa buhay ng ibang tao. At miracle po sa buhay ko. Mas nagkaroon po ng meaning sa akin ngayon yung Hymn 219: Because I have been given much.

Hindi man tayo ang nag mamamay-ari ng pinakamaganda at pinakakomportableng bahay sa buong mundo, pero He gave us enough bed and house na maging tama-tama lang na komportable tayo. Hindi man tayo mayaman, pero yung linuluto ni Mamang na masusustansyang pagkain???sobra pa yun sa sapat. Pag butihin ang pag aaral kasi maraming hindi nakakapag aral.

10 minutes nalang po natitira. Kelangan ko na pong mag email sa mission president. Haha. Sige, mahal ko po kayo and I am always praying for you.

PICTURES SA BABA!

With all my heart,
SISTER ACOSTA

Bawi po ako sa pouch mail! Sulat ako mamayang gabi at susunod na gabi!

First Pday!

ALMA DISTRICT! The best district in the whole Kolob! Halo-halo po kaming lahi. Yung dalawang nakapikit po diyan na mukhang Filipino... ay Malaysians! Haha. Tapos 4 Indians (2 elders and 2 sisters) tapos 1 elder taiwanese. Tapos yung companion ko po si Sister Tsai, taiwanese din. Tapos may 4 Filipinos: 3 elders at ako! 

Kahit 12 days lang kami nagsama eh marami po akong natutunan sa bawat isa sa kanila. Kahit na lagi po silang umuutot (sa klase o sa temple) mahal ko na po sila!

Yung tatlong Filipinos na kasama ko, they are the FINEST 18 YEAR OLD MISSIONARIES I HAVE EVER KNOWN. Kasi po sila palang naman po yung 18 year old missionaries na nakilala ko. Hahaha. Pero seryoso po ako na they are the finest! The best! At proud ako sa kanila!


​Ito naman po si Sister Tsai. She's a taiwanese. Lumaki sa Australia. Called to serve
in Singapore. At syempre, she was trained in the Philippines! Sisters Training Leaders po kami sa batch. At sobrang nagpapasalamat po ako na siya naging companion ko kasi lagi niyang pinapalakas ang loob kapag kinakabahan ako sa pag gawa ng mga assignments namin sa MTC. 

Sige po! Mahal ko kayo lahat! Ay ayaten! Ket makidkidtot iti tatao didtoy no maamuwan da nga adda Ilokana idjay Mindanao! Hahahaha!

PS: Mang, sabi ni Sister Crystal pwede nyo daw po ipapouch mail yung ATM ko para walang gastos. Wag sa LBC kasi baka iconfiscate lang nila. Sige! Salamat!

PPS: Pasensya kung may mga sentences akong di masyadong malinaw. Di ko na irereview itong sulat dahil wala nang oras. 

PPPS: Labyu!

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento